Lunes, Abril 18, 2016

Ina Ko

Kakaunti nga ang panahon na tayo ay nagkasama
Subalit pangaral mo ay napakadami na
Pagmamahal na pinamalas tila ba nandyan pa
Hindi mawaglit sa isip at sa pusong nangungulila
Kahapon nga iyong tayo'y magkasama
At ngayon ay wala ka ni hindi makita
Bukas na darating wala ka rin sa aking piling
Pero lahat ng ala-ala mananatili forever
May ganitong panahon na bigla kitang namimiss
Minsan naiisip ko sana hindi ka na lang umalis
Lahat ng bonding natin kay bilis tumalilis
Wala ka na nga wala na ang bungisngis
Hindi ko man gusto ay tumulo ang luha
Hindi ko man nais bigla akong natulala
Ang dami ko ng kwento pero walang makwentuhan
Ang dami kong tanung wala namang matanungan
Maikli nga siguro ang panahon ng pagsasama
Laping pitong taon sa aki'y sapat na
Sapagkat tinuruan mu ako paanu ang lumaban
Paanu ang sumulong at kung kelan ang pag ayaw.
Hindi mo man nakita ang prinsipe na bebehan ko
Hindi mo man sya nahalikan o naihele man lang
Ang mga yakap mo sa akin ang sa kanya'y ipararamdam
Para sa paglaki nya pag mamahal mo rin ang manamnam....
...mimissnanamankitananayko

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento