Lunes, Abril 18, 2016

Nanay ko

Ordinaryong tao,yun ang akala ko
Nabubuhay humihinga ng para sa ibaa
Nakangiti,nagpapasaya at umaawit pa
Kagiliw giliw na pagmasdan ka sa twina
Mga supling na binigyan ng buhay at inaruga mo
Lumaking maayus,magalang at may takot sa dyos
Lahat ay kontento bagamat hindi perpekto
Lahat naman ay binigay,inihandog at inialay mo
Sila'y lumaki,nagkaisip at nagsarili
May kanyang buhay,maayus na masasabi
Ang bunso lamang ang naiwan sa iyong tabi
At sa twina'y kasama,katabi hanggang gabi
Ang bunso'y lumaki at nangarap ng marami
Buhay na pangarap ang sa isip laging nakatali
Bawat saglit ay paglalambingan ninyo lagi
Pag kayo'y magkasama labi nyo'y laging may ngiti
Ngunit hindi inaasahan may mga bagay na naganap
Gusto ni bunsong wag maniwala,gusto nyang magpangap
Ngunit walang magagawa ang lahat dapat ay matanggap
Pagkat mawawala na ang inspirasyon sa kanyang panggarap
Masakit man sa kanya,sya ay nagtiis
Tinibayan ang dibdib kahit may hinagpis
Ang sabi ni bunso,wag magalala sya ay masaya na
Kahit nsan man ang nanay na sandigan nya
Ngayon man sya'y wala,ako(BUNSO)ay nananatiling matatag
Pagkat baon ko ang bawat natin halakhak
Mga ngiti mo nanay ay lagingng alaala
Saan mang dako ang paa ko'y magpunta
Ikaw ay inspirasyon at tagagabay sa twina
Ikaw ang tala ko nagbibigay ng saya
Kahit malayo ka,alam ko tayo'y muling magkikita
Pagkat sa amin ikaw lang natatangi naming ina...
MISS NA KITA SOBRA.....
LOVE YOU SO MUCH NANAY....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento